WHO chief kumambiyo sa pahayag na malapit na ang wakas ng COVID 19

By Jan Escosio September 23, 2022 - 10:54 AM

Binigyan linaw ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang kanyang naging pahayag ukol sa nalalapit na wakas ng pandemya dulot ng COVID 19.

Base sa mga naglabasang ulat, sinabi ni Ghebreyesus na maganda na ang mga nangyayari sa buong mundo ukol sa paglaban sa COVID 19 at aniya nakikita na ang liwanag.

Ngunit kumambiyo ito at nagbabala pa na ang pagdedeklara na tapos na ang global health crisis ay matagal pang mangyayari.

Dagdag niya ang nais niyang sabihin ay hindi pa nalalapit ang wakas ng pandemya  bagamat nakikita na ang katapusan nito.

Matapos ang unang pahayag, idineklara pa nj US President Joe Biden na tapos na ang pandemya sa Amerika.

 

TAGS: COVID-19, pandemic, WHO, COVID-19, pandemic, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.