POGOs pumayag na sa ‘PNP, NBI clearances before work’ policy

By Jan Escosio September 23, 2022 - 10:00 AM

Sinang-ayunan naman ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang pangangailangan na may PNP at NBI clearances ang kanilang mga empleado bago makapag-trabaho sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ito ay bunga nang pakikipag-usap nila sa POGOs kaugnay sa mga nangyayaring krimen na kinasasangkutan ng kanilang mga empleado.

Dagdag pa ni Azurin, nakikipag-ugnayan na rin sila sa POGOs para maging requirement ng kanilang pagta-trabaho sa bansa ang patunay na wala silang kinahaharap na kaso sa kanilang bansa.

“With such a requirement, the government can ascertain that POGO workers coming here are law-abiding in their country and can also be law-abiding and respectful of our laws,” aniya.

Ngayon taon, nakapagtala na ang PNP ng 27 kaso ng pagdukot na kinasasangkutan ng POGO workers.

Naging bahagi na ang mga krimen sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, na pinamumunuan ni Sen. Ronald dela Rosa.

Ilang senador na rin ang gusto na matigil na ang operasyon ng POGOs sa bansa.

TAGS: crime, NBI, PNP, POGOs, Senate, crime, NBI, PNP, POGOs, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.