Basura maaring maging bigas sa Muntinlupa City

MUNTINLUPA LGU PHOTO

Bigas ang naisip ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa na gamitin para matuto ang kanilang mamamayan na mas pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

Inilunsad sa pamamagitan ng Enviromental Sanitation Center at Muntinlupa Gender and Development Office sa Barangays Sucat at Bayanan ang programang ‘Basura, Kapalit ng Bigas.’

Sa programa ang mga naipon na basura ay maaring ipalit ng bigas.

Ang mga maaring ipunin ay mga basurang plastic, gaya ng candy wrappers, sachets, maging ang plastic packaging ng online shopping platforms at plastic bags.

Nabatid na ang bawat dalawang kilo ng basura ay papalitan ng isang kilo ng bigas.

Kabilang sa 7K Agenda ng mga priority programs ni Mayor Ruffy Biazon ang pangangalaga sa kalikasan.

Read more...