Bagyong Karding bumilis, napanatili ang lakas

By Jan Escosio September 23, 2022 - 06:44 AM

Bahagyang bumilis ang bagyong Karding ngunit walang pagbabago sa taglay nitong lakas, ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na 5am update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,235 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at bugso na aabot naman sa 80 kilometro kada oras taglay ang central pressure na 1000 hPa.

Kumikilos ito sa direksyon ng Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Posibleng ulanin simula hatinggabi ng Linggo ang Batanes, Cagayan at Isabela at ang pag-ulan ay mararanasan naman simula sa araw ng Linggo o umaga ng Lunes sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces at La Union, gayundin ang Aurora.

Babala pa ng PAGASA, posibleng magdulot ang mga pag-ulan ng landslides.

Samantala, dahil naaapektuhan ng bagyong Karding ang habagat, maaring makaranas din ng pag-ulan sa araw ng Linggo ang malaking bahagi ng Timog Luzon at Visayas.

TAGS: #KardingPH, habagat, northern luzon, #KardingPH, habagat, northern luzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.