Panukalang pagpapaliban ng barangay, SK elections lusot sa 2nd reading sa Senado

By Jan Escosio September 22, 2022 - 05:36 PM

Isang hakbang na lang at maipapasa na sa Senado ang panukalang huwag ituloy ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayon taon.

Pumasa na sa 2nd reading ang panukala na ipagpaliban muli ang nakatakdang eleksyon sa darating na Disyembre.

Tanging sina Minority Leader Koko Pimentel III at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang tumutol.

Nakasaad sa panukala na sa ikalawang araw ng Lunes sa Disyembre 2023 na lamang isagawa ang eleksyon.

Nakapaloob din na ang mga susunod na synchronized barangay at SK elections ay isasagawa na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026 at pagkatapos ay tuwing pangatlong taon.

Nais ni Hontiveros na sa darating na Mayo na ikasa ang eleksyon sa katuwiran na mas makakapaghanda ang Commission on Elections (Comelec), ngunit ibinasura ito ni Sen. Imee Marcos, ang namumuno naman sa Committee on Electoral Reforms.

TAGS: barangay, comelec, elections, Senate, sk, barangay, comelec, elections, Senate, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.