Dagdag presyo sa produktong petrolyo, naka-amba

oil hike alexis corpuzMuling magpapatupad ang ilang oil companies ng panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo sa mga susunod na araw. Aabot sa 20 hanggang 25 sentimos ang madadagdag sa kada litro ng diesel at gasolina.

Sa iba pang oil products, wala pa naman nakikitang paggalaw sa presyo ng mga ito. Posibleng mag-anunsiyo ang mga kumpaniya ng langis bukas o sa araw ng Martes.

Ang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

 

Read more...