Karding isa ng tropical storm, malakas na pag-ulan inaasahan

By Jan Escosio September 22, 2022 - 05:30 PM

Inanunsiyo ng PAGASA na lumakas na at isa ng tropical storm ang bagyong Karding.

Base sa 4pm update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa distansiyang 1,320 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Mabagal itong kumikilos sa direksyon ng Hilaga-Hilagang Kanluran.

Nagbabala ang ahensiya na maari itong magdulot ng malakas na pag-ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon simula sa gabi ng Sabado o umaga ng Linggo.

Posible rin na itaas ang Signal No. 1 sa Hilaga at Gitnang Luzon bukas ng gabi o umaga ng Sabado.

TAGS: #KardingPH, Bagyo, #KardingPH, Bagyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]