Hontiveros: Totoong may kakulangan sa suplay ng asukal, gobyerno hinimok kumilos

By Jan Escosio September 22, 2022 - 10:27 AM

Photo credit: Sen. Risa Hontiveros/Facebook

Babala ni Senator Risa Hontiveros na totoong may kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.

Aniya, kung hindi pa kikilos ang gobyerno, maaring magresulta ito sa pagtaas ng halaga ng mga pagkain at kawalan ng kabuhayan ng mga manggagawa sa industriya ng asukal.

Iprinisinta ni Hontiveros sa mga kapwa senador ang nakalap niyang karagdagang mga dokumento para patunayang hindi artipisyal o gawa-gawa lang ang kulang na suplay ng asukal sa bansa.

Banggit niya, noon pang nakaraang Abril 8 nang punahin na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang limitadong suplay at mataas na presyo ng asukal.

Kasabay nito ang kanyang paggiit na naniniwala siya na ‘in good faith’ ang pagpapalabas ng Sugar Order 4 para sa pag-aangkat sana ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.

Inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kautusan at inirekomenda na imbestigahan para sa pagsasampa ng mga kinauukulang kasong kriminal at administratibo laban sa apat na opisyal.

TAGS: asukal, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Risa Hontiveros, Senado, asukal, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Risa Hontiveros, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.