Hiniling ni Senator Raffy Tulfo sa Land Registration Authority (LRA) na imbestigahan ang mga kaso ng land grabbing sa Palawan at iba pang lalawigan.
Diin niya, ang lubhang naaapektuhan ay ang mga magsasaka at katutubo.
Bukod dito, hinikayat ni Tulfo ang pamunuan ng LRA na aksyunan ang malawakang korapsyon sa ahensiya.
Karamihan aniya sa mga reklamo sa kanya ay mula sa mga magsasaka na nagsangla ng titulo ng lupa dahil sa matinding pangangailangan at kung tutubusin na nila ay malalaman na wala na sa kanilang pangalan ang titulo.
“Kailangan po talagang maproteksyunan natin ang mga lupain ng mga magsasaka at mga katutubo kaya ang una niyo po sigurong gawin, ay linisin niyo po ang inyong ahensya at tanggalin ang mga korap na tao diyan,” bilin ni Tulfo kay LRA Administrator Gerardo Sirios.
Inamin ni Sirios na may problema sa korapsyon sa ahensiya na kanyang pinangangasiwaan.