Pag-uusap nina PBBM at ex-UK PM Blair, sumentro sa BARMM peace process
Sumentro sa peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pag uusap nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at dating Prime Minister ng United Kingdom Anthony Charles Lynton Blair.
Ginawa nina Pangulong Marcos at Blair ang pagpupulong sa Sideline ng 77th United Nations General Assembly sa New York.
Kumpiyansa ang Pangulo na makaka it ang kapayapaan sa BARMM sa tulong na rin ni Blair, na tumatayong Executive Chairman ng Tony Blair Institute For Global Change.
Bukod sa peace process, tinalakay din nina Pangulong Marcos at Blair ang usapin sa food security, climate action at trade.
Maliban kay Blair, mayroon pang nakatakdang pagpupulong ang Pangulo sa iba pang lider ng bansa.
Nasa ikaapat sa anim na araw na working visit ang Pangulo sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.