Malakanyang kay Duterte: Tumalima sa tamang proseso bago ang pagsibak sa mga opisyal ng PNP
Inamin ng Malakanyang na may prerogative si President-elect Rodrigo Duterte na hamunin ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police o PNP na magbitiw sa pwesto.
Gayunman, ipinaalala ni outgoing Presidential spokesperson Herminio Coloma na ang anumang kilos laban sa katiwalian ay marapat pa ring tumalima sa tamang proseso, alinsunod sa mga isinasaad ng batas.
Ani Coloma, ang isa aniya sa mahahalagang haligi ng Aquino administration na pagsugpo sa katiwalian sa lahat ng antas at ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang PNP.
Pero, ang anumang hakbang hinggil sa pagkamit ng naturang hangarin ay dapat bigyan ng suportang legal.
Sa thanksgiving party ni Duterte kahapon, hinamon nito ang tatlong top officials ng PNP na aniya’y dawit sa kurapsyon at ilegal na droga.
Kapag hindi raw nagkusa ang tatlong na magresign, nagbanta si Duterte na papangalanan niya ang mga ito at ipapahiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.