Insentibo sa work from home, ipinabibigay ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio September 21, 2022 - 01:49 PM

Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng mga insentibo ang mga kompaniya na magpapatupad ng telecommuting o work-from-home arrangement.

Ipinaliwanag ni Gatchalian sa inihain niyang Senate Bill 1149 na nais niyang lumawak pa ang pagpapatupad ng work-from-home arrangement dahil sa mga benepisyo na idinudulot nito sa lipunan.

Isa sa kanyang nabanggit ang positibong idudulot nito sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Sa kanyang panukala, mababawasan ng P25 ang buwis ng isang kawani sa bawat oras ng kanyang pagtatrabaho sa pamamagitan ng WFH.

Gayundin, dagdag pa ng senador, magiging tax free na rin ang allowances o benepisyo na hindi hihigit sa P2,000 ng empleado.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate Bill 1149, Sherwin Gatchalian, work from home, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate Bill 1149, Sherwin Gatchalian, work from home

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.