Nakatakda ang paglilibing ng namayapang boxing legend na si Muhammad Ali sa darating na Sabado.
Bago ang libing, magsasagawa ng public memorial service para kay Ali na magsisimula ng alas dos ng hapon.
Sa nasabing memorial service, magbibigay ng eulogy si dating U.S. President Bill Clinton para kay Ali.
Bukod kay Clinton, magbibigay pugay rin sa dating three-time heavyweight boxing champion ang aktor na si Billy Crystal at broadcaster na si Bryant Gumbel.
Ngunit bago ang memorial service, magsasagawa muna ng funeral procession sa Louisville City na hometown ni Ali.
Sa edad na 74, pumanaw na ang tinaguriang “The Greatest” na si Ali dahil sa respiratory problems at komplikasyon sa kanyang Parkinson’s disease.
READ NEXT
Mga barangay na may 25-30 na estudyante, patatayuan ng paaralan ni President elect Rodrigo Duterte
MOST READ
LATEST STORIES