Pangulong Marcos, humiling ng suporta sa kandidatura ng Pilipinas sa UN Security Council

By Chona Yu September 21, 2022 - 08:41 AM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Nagpasaklolo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga bansang kasapi sa United Nations na tulungan at suportahan ang kandidatura ng Pilipinas sa UN Security Council para sa terminong 2027-2028.

Sa talumpati ng Pangulo sa 77th United Nations General Assembly sa New York, sinabi ng Pangulo na malaki ang ambag ng Pilipinas sa UN Security Council base na rin sa mayaman karanasan ng bansa sa pagtataguyod ng kapayapaan kooperasyon.

Pangunahing tungkulin ng UN Security Council ay panatilihin ang peace and security.

Mayroon 15 miyembro ang UN Security Council.

Ang limang permanent members nito ay ang China, France, Russian Federation, United Kingdom, at United States.

Kasalukuyang miyembro nito ang mga bansang Albania, Brazil, Gabon, Ghana, India, Ireland, Kenya, Mexico, Norway, at United Arab Emirates.

Matatandaan na noong Enero 2004, nakakuha ang Pilipinas ng isang puwesto sa UN Security Council para sa termimong 2004-2005.

TAGS: BBM admin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, United Nations, BBM admin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.