“For me, like a practical solution lang, kailangan dapat lahat ng contractor ng DPWH mag-submit ng litrato n’ung project zero percent, 50 percent,100 percent,” sabi nito.
Unang ibinunyag ng senador ang tinawag niyang ‘expanded fund parking scheme’ sa pagtalakay ng 2023 national budget ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Paliwanag niya, ang mga proyekto ngayon sa mga malalayong lugar ang pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal dahil ang mga ito ay halos hindi napapansin gaya ng flood control, dredging at asphalt road constructions.
“Yun ‘yung mga favorite na hindi nababantayan so we have to have a practical way na bantayan,” paglalahad pa ni Cayetano, na sinabi na sa modus sa government projects ay may mga kasabwat na mambabatas.
Sa hinihingi niyang pictures mula sa simula ng paggawa ng proyekto hanggang sa pagtatapos nito ay malalaman ang paraan ng paggawa hanggang sa matapos na ito.