Mga larawan, hiningi ni Sen. Cayetano sa gov’t projects
Para matuldukan na ang unang ibinunyag na ‘parking of funds’ sa district officials, hiniling ni Senator Alan Peter Cayetano na dapat hilingin sa contractors ang pagkuha ng mga larawan sa paggawa nila ng government projects.
“For me, like a practical solution lang, kailangan dapat lahat ng contractor ng DPWH mag-submit ng litrato n’ung project zero percent, 50 percent,100 percent,” sabi nito.
Unang ibinunyag ng senador ang tinawag niyang ‘expanded fund parking scheme’ sa pagtalakay ng 2023 national budget ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Paliwanag niya, ang mga proyekto ngayon sa mga malalayong lugar ang pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal dahil ang mga ito ay halos hindi napapansin gaya ng flood control, dredging at asphalt road constructions.
“Yun ‘yung mga favorite na hindi nababantayan so we have to have a practical way na bantayan,” paglalahad pa ni Cayetano, na sinabi na sa modus sa government projects ay may mga kasabwat na mambabatas.
Sa hinihingi niyang pictures mula sa simula ng paggawa ng proyekto hanggang sa pagtatapos nito ay malalaman ang paraan ng paggawa hanggang sa matapos na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.