Mga barangay na may 25-30 na estudyante, patatayuan ng paaralan ni President elect Rodrigo Duterte

By Mariel Cruz June 05, 2016 - 02:17 PM

lack-of-classroomsMagkakaroon na ng solusyon sa kakulangan ng mga paaralan sa buong bansa.

Ito ay matapos ihayag ni President elect Rodrigo Duterte na magpapatayo siya ng paaralan sa mga barangay na mayroon dalawampu’t lima hanggang tatlumpung estudyante.

Ayon pa kay Duterte, ito rin ang nakikita niyang solusyon para hindi na maglakad ang mga estudyante ng 20 hanggang 30 kilometers makapasok lamang sa paaralan.

Mismong ang incoming president na ang magpapatayo ng mga National High School para sa lahat ng estudyante sa bansa.

Matatandaang bukod sa mga classroom, isa sa problema ng bansa ay ang kakulangan ng paaralan partikular na sa mga malalayong probinsya o lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.