Pangulong Marcos, mayroon nang ikinukunsiderang susunod na Executive Secretary
May mga pangalan nang ikinukunsidera si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maaring pumalit sa dating puwesto ni Executive Secretary Vic Rodriguez.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, pinag-aaralan pa ng Pangulo ang kwalipikasyon ng mga ito.
Pero sa ngayon, sinabi ni Angeles na wala pang napipiling bagong executive secretary ang Pangulo.
Hindi naman tinukoy ni Angeles kung ilan ang pinagpipilian ng Pangulo sa para sa susunod na executive secretary.
Nasa Amerika ang Pangulo at dumadalo sa 77th United Nations General Assembly.
Una nang nagbitiw si Rodriguez matapos madawit sa kontrobersiya sa planong pag aangkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.