Sa talumpati ng Pangulo sa New York Stock Exchange, sinabi nito na binago na ng Pilipinas ang mga polisiya sa pagnenegosyo.
Halimbawa na, ayon sa Pangulo, ang pagpayag ng pamahalaan ng full ownership ng mga dayuhang negosyante na nagnanais na pumasok sa public services gaya ng telecommunications, shipping, air carriers, railways, subways, airports, at toll roads.
Nagpasa na rin aniya ang Pilipinas ng batas na nag bababa sa corporate income tax rates at rationalize fiscal incentives.
Binabaan na rin aniya ng pamahalaan ang minimum paid-up capital requirements para sa foreign retailers at foreign startups.
Idiniga rin ng Pangulo ang magandang skills at pag-uugali ng mga Filipinong manggagawa.
Malaki rim aniya ang consumer market ng Pilipinas.
Pag-amin ng Pangulo, bagamat lumaki ang utang ng Pilipinas dahil sa pandemya, binabawasan naman na ngayon ng pamahalaan ang public debt para tuluyang makabangon ang ekonomiya.
Ibinida pa ng Pangulo na napanatili ng Pilipinas ang investment grade credit ratings at target na makuha ang “A” territory credit ratings sa medium term.
Sa ngayon, tina-target ng Pangulo ang partnership sa pribadong sektor para tuluyang maisulong ang development agenda sa public infrastructure, public services, digitization initiatives, energy development, at iba pa.
Ilan sa mga iniaalok ng Pangulo sa Amerika ay ang mag-negosyo sa information technology and business process management, medical products and devices, electric vehicles and batteries, agribusiness, and telecommunications infrastructure at services.