Halos 100% ng Maguindanaoans pumabor sa paghati ng lalawigan
Idinaos ng nakaraang araw ng Sabado ang plebisito para sa paghahati ng lalawigan ng Maguindanao.
Ibinahagi ni Sen. Francis Tolentino na 99.27 porsiyento ng 706,651 bumoto ang pumabor na mahati sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ang naturang lalawigan.
Si Tolentino ang nag-sponsor ng panukala na hatiin sa dalawa ang Maguindanao nang pamunuan niya ang Committee on Local Government sa nakalipas na 18th Congress.
Paliwanag ng senador layon ng hakbang na mapabilis ang pag-unlad at mas maging maayos ang sitwasyong-pulitikal ng Maguindanao.
Gayundin upang mapabilis ang pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa Maguindanaoans at para sa agarang pagtugon sa pangangailangan sa mga lalawigan at mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.