Sen. Koko Pimentel, natuwa sa anunsiyo ni Sen. Imee Marcos sa ‘end POGO’

Ikinasiya ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang anunsiyo ni Senator Imee Marcos na ikinukunsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagpapatigil na sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

“It’s a welcome development. Coming from the President’s sister herself, I would like to believe that we are moving in that direction of totally halting the operation of POGOs in the country,” sabi ni Pimentel.

Dagdag niya, dapat lang na ipagbawal na ang POGOs dahil hindi nakakabuti sa bansa ang operasyon ng mga ito.

“The continued operation of POGOs in the country is dangerous. It is akin to harboring would-be criminals and gangsters that can eventually casue massive disruption of peace and order in the country as qwe are beginning to see now with the spate of kidnapping incidence and other violent activities related to POGOs,” pagdidiin ng senador.

Ipinagtataka nito ang pagtanggap sa Pilipinas ng mga Chinese citizens gayung ang online gambling ay ipinagbawal sa China.

Read more...