P50-M paunang pondo, inilaan sa Judiciary Marshals Act
Napaglaanan ng paunang P50 milyon ang bagong Republic Act 11691 o ang Judiciary Marshals Act.
Ito ang naibahagi sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa 2023 judiciary budget.
Sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva kay Sen. Sonny Angara, namumuno ng komite, na nagpapatuloy ang mga pagbabanta sa ilang hukom sa bansa at may mga kaso na kailangan ilipat ang iba para mailayo sila sa kapamahakan.
Layon ng batas na magkaroon ng sariling puwersa na mangangalaga sa kaligtasan ng nasa court system ng bansa.
Dagdag pa ni Villanueva na ngayon ay binubuo na ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas na naipasa nito lamang nakalipas na Abril.
Aniya, target nilang bago magtapos ang taon o sa pagpasok ng bagong taon ay maitalaga na ang mga mamumuno sa Judicial Marshal Office, kabilang ang Chief Marshal at Deputy Chief Marshals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.