Indigent guarantee letters sa private hospitals, isinusulong ng lady partylist solon

By Jan Escosio September 19, 2022 - 03:48 PM

Photo credit: Rep. Bernadette Herrera/Facebook

Pinagsusumikapan ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na mapagtibay ang polisiya sa paggamit ng ‘guarantee letters’ ng mga mahihirap sa mga pribadong ospital.

Ibinahagi ito ng kinatawan ng Bagong Henerasyon partylist sa kanyang interpelasyon sa pagdinig ng pondo ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.

Unang inihirit ni Herrera kay dating Health Sec. Francisco Duque III na kilalanin sa mga pribadog ospital ang guarantee letter na inisyu sa mga mahihirap na pasyente.

Naglabas ng memorandum si Duque ng memorandum para sa hiling ni Herrera na kilalanin ng mga pribadong ospital na may memorandum of agreement (MOA) sa DOH at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ikinatuwiran ng mambabatas na hindi sapat ang administrative order kayat nais niyang magkaroon ng batas para sa ‘instutionalization’ ng pagtanggap ng ‘guarantee letters’ sa private hospitals.

Nabanggit nito na nahihirapan ang mga mambabatas na pumasok sa MOA sa private hospitals dahil sa isyu sa Philhealth.

“Nagkakaprobelma po kami dito sa NCR na mag-MOA with private hospitals kasi maraming utang ang Philhealth. So ayaw nila na mag-MOA for fear na hindi sila mababayaran,” paliwanag ni Herrera.

Sa simula nang pananalasa ng COVID-19, napuno ang public hospitals at napatunayan ang kahalagahan ng private hospital sa pagtanggap ng mga mahihirap na pasyente.

TAGS: Bernadette Herrera, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Bernadette Herrera, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.