Arestado ang isandaang indibiduwal kaugnay sa pagpapatupad ng Oplan Rody o Rid of Drinkers and Youth sa Quezon City.
Nilabag ng mga naaresto ang ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga lansangan.
Ang iba naman ay hinuli dahil sa ilegal na droga, pagsusugal at walang suot na damit habang nasa lansangan.
Umabot naman sa labing siyam na menor de edad ang pinarusahan dahil sa paglabag sa ordinansa na nagbabawal sa mga bata sa lansangan mula alas diyes ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw.
Ngunit ayon sa mga naarestong menor de edad, wala silang kaalam alam na ipinatupad na ang curfew sa lungsod.
Inilipat na sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang mga naarestong menor de edad at ang iba naman ay dinala sa Quezon City Police District Station 6.