DSWD education assistance, ikinukunsiderang palawigin
May posibilidad na mapalawig ang distribusyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng education assistance.
Ngunit agad nilinaw ni DSWD spokesperson Romel Lopez na ang extension ay depende kung may matitira sa P1.5 bilyong pondo na nailaan para sa naturang programa.
Aniya, may posibilidad naman na magkaroon pa ng ‘extension’ ang pamamahagi ng ayuda dahil may matitira pa ng pondo.
“Pinag-aaralan din po talaga ni secretary. Sa dami ng aplikante ay baka magkaroon tayo, baka may one-time, bigtime pay out tayo,” ani Lopez.
Sa darating na Sabado, Setyembre 24, ang nakatakdang huling araw ng pamamahagi ng distribusyon.
“Pero yung September 24, mananatili siya as is, siya ‘yung last payout natin para doon sa P1.5 B. Kung may matitira man, magco-come up tayo ng guidelines,” dagdag pa ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.