Pangulong Marcos ibinunyag na sa New York, U.S.A nakilala si First Lady Liza

By Radyo Inquirer On-Line News Team September 19, 2022 - 02:33 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa New York sa Amerika na nabuo ang kanyang love story sa asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey, sinabi nito na nagkakilala sila ni Liza sa New York noong 1986.

Nagtatrabaho na aniya si Liza noon bilang abogado sa New York habang pinangangasiwaan naman niya ang kasong kinakaharap ng kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo na dapat na magpasalamat ang kanyang panganay na anak na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos sa New York dahil kung hindi sila nagkakakilala ni Liza ay wala ito.

Tuwang-tuwa rin ang Pangulo dahil ito ang unang pagkakataon na nakabalik siya sa New York matapos ang 25 taon.

Nasa New York ang Pangulo para sa anim na araw na United Nations General Assembly.

Kasama ng Pangulo ang maybahay na si Liza, mga anak na sina Congressman Sandro at Simon.

TAGS: BBM admin, bongbong marcos, Liza Marcos, New York, PBBM, BBM admin, bongbong marcos, Liza Marcos, New York, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.