Tatlong heneral, pinagbibitiw sa pwesto ni President-elect Rodrigo Duterte

June 05, 2016 - 08:58 AM

03digong-e1464884491868Magresign o ipapahiya sa publiko.

Yan ang babala ni President elect Rodrigo Duterte sa tatlong high-ranking police officials na umano’y sangkot sa katiwalian.

Sa thanksgiving party na ginanap kahapon sa Davao City, sinabi ni Duterte na kailangan nang matigil ang kurapsyon, kaya hinahamon niya ang tatlong henral na magbitiw na sa pwesto at huwag nang hintayin na pangalanan at ipahiya ang mga ito.

Pangako ni Duterte sa libu-libong indibidwal na nasa party, lahat ng mga pulis na na-dismiss ang kaso ay kanyang iparerebyu muli.

Ani Duterte, dahil sa mabilising trial, nakabalik sa serbisyo ang mga pulis para umano ipako sa krus ang mga Pilipino.

Banta pa ng bagong Presidente sa mga pulis na wanted at may kaso ngayon, ipapapatay daw niya ang mga ito at hindi aniya ito biro.

Matatandaan na noong Pebrero, inungkat na ni Duterte na hindi bababa sa tatlong mataas na opisyal ng Philippine National Police o PNP ay sabit sa ilegal na droga.

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.