Text Scam Complaint Page, inilunsad ng NTC

NTC Facebook photo

Nagpalabas ng abiso sa publiko ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagsasaad ng mga hakbang para makaiwas sa text scam.

Sa inilabas na abiso ng NTC, pinayuhan ang publiko na sundin ang mga sumusunod na hakbang:

IDENTIFY A TEXT SCAM
– Kung makatatanggap ng text message mula sa hindi kilalang numero at nag-aalok ng trabaho, premyo o pabuya, discounts at iba pa na mayroong clickable weblink, ito ay isang text scam message.

IGNORE
– Kung ang matatanggap na mensahe ay kahina-hinala, huwag itong pansinin, huwag mag-reply at huwag i-click ang weblink.

REPORT
– Kuhanan ng screenshot ang mensaheng natanggap kita ang numero ng sender at i-report sa NTC.

BLOCK AND DELETE
– Sa sandaling mai-report na sa NTC ay agad i-block ang numero at i-delete ang scam message.

Para i-report sa NTC ang natanggap na text scam, maaari itong ipadala sa e-mail address na konratextscam@ntc.gov.ph.

Isama sa email ang pangalan, address, email at contact number ng nagreklamo, inirereklamong cellphone number, screenshot ng natanggap na text scam at photo ng anumang government-issued IDs.

Maaari rin itong i-upload sa website ng NTC sa https://ntc.gov.ph

I-click lamang ang “Text Scam Complaints” button, sagutan ang Text Scam Complaints Form at i-click ang “submit” button.

Narito ang step-by-step guide sa pagsusumite ng text scam complaint:

https://ntc.gov.ph/wp-content/uploads/2022/kontra_text_scam/STEP-BY-STEP%20GUIDE%20ON%20REPORTING%20TEXT%20SCAM%20COMPLAINTS%20TO%20THE%20NTC.pdf?fbclid=IwAR1buRx9cBfQe4DYRzCLA2kbIk6aYO6ltHLonl0ogg7ci3jWbQUU3YATvSw

Read more...