Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi at TNVS epektibo sa Oktubre 4

Pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon para sa dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Epektibo ang taas-pasahe sa darating na Oktubre 4, araw ng Martes.

Pinayagan ng LTFRB ang provisional P1 minimum fare increase sa traditional at modern jeepneys kayat P12 at P14 ang magiging bagong pasahe sa unang kilometro ng biyahe.

Sa city at provincial buses naman, P5 ang itataas sa unang limang kilometro ng biyahe sa ordinary at airconditioned bus at karagdagang P0.35 at P0.50 sa bawat kilometrong dagdag.

Tataas naman ng P5 ang flag down rate sa mga taxi at transport network vehicle at wala ng dagdag na pasahe sa karagdagang distansiya ng biyahe.

Una nang naghain ng petisyon ang ibat-ibang transport groups para magdagdag ng pasahe kasabay nang pag-angal sa mataas na halaga ng krudo.

Read more...