Mga bakanteng posisyon sa gobyerno idinulog ni Sen. Joel Villanueva kay PBBM Jr.
Pinuna ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang hindi matuldukang problema sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno.
Kayat minabuti ni Villanueva na idulog na ito sa administrasyong-Marcos Jr., para mapunan ang mga bakanteng permanenteng posisyon sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno.
Binanggit ito ng senador sa Development Budget Coordinating Committee meeting para sa 2023 National Expenditure Program.
“We’ve said time and again that the government, as the country’s biggest employer, also has the biggest problem filling up these permanent positions. Ang mas nakakalungkot pa po rito ay nangyayari pa rin ang problemang ito kahit maraming Pilipino ang walang trabaho at may mga panukala pa na magbawas ng tauhan sa burukrasya,” diin ng senador.
Sabi pa nito nagmimistulang sirang plaka na ng isyu dahil taon-taon na itong tinatalakay ngunit maliit na pag-usad lamang ang nangyayari.
Aniya may bakante pang 170,668 authorized government positions ang bakante ngunit 642,077 kawani sa gobyerno ang hindi regular base sa datos mula sa Civil Service Commission hanggang noong Hunyo 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.