‘Hands off policy’ iniutos sa PNP sa mga POGO-issues

Ibinunyag ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na pinagbilanan ang mga pulis na huwag makialam sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa bansa.

“In the past po, ang PNP ay nabigyan ng hands-off na directive na huwag ho makikialam ang ating kapulisan as far as POGO is concerned,” ang sabi ng hepe ng pambansang pulisya sa isang panayam sa radyo.

Pag-amin ni Azurin hindi niya maalala kung sino ang nagbigay ng ‘hands-off policy’ at kung kailan sila pinagsabihan.

Ngunit aniya ngayon ay gumagawa na sila ng ‘backtracking’ para malaman kung sino ang nag-utos at kailan ito naging epektibo.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Phillippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration para maresolba na ang mga kasong iniuugnay sa operasyon ng POGO sa bansa.

Read more...