Pagbasa ng sakdal sa ‘Ateneo shooter’ muling naipagpaliban

By Jan Escosio September 16, 2022 - 07:59 PM

Sa ikalawang pagkakataon, hindi natuloy ngayon araw ang pagbasa ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kay Dr. Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay at dalawang iba pa sa Ateneo de Manila University (ADMU) noong Hulyo 24.

Naipagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay Yumol dahil hindi pa tapos ang medical examination nito.

Nabatid na tatlong beses na kailangan sumailalim sa exksaminasyon sa kanyang pag-iisip si Yumol sa National Center for Mental Health (NCMH at ito ay nagsimula noong nakaraang Agosto at matatapos sa susunod na buwan.

Magugunita na sa unang arraignment noong Agosto 4, ipinagpaliban ito ito ng korte matapos idahilan ng mga abogado ni Yumol na nagpapakita ito ng mga senyales ng mental disorder.

Hiniling ng kanyang mga abogado na sumailalim si Yumol sa mental status examination.

Itinakda na lamang ng korte ang arraignment sa Nobyembre 11.

TAGS: Ateneo, shooting, Ateneo, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.