Pagsusuot ng face mask sa mga eskuwelahan, itatanong ng DepEd sa DOH

Photo credit: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles/Facebook

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH) kaugnay sa guidelines sa pagsusuot ng mask sa mga eskuwelahan.

Kasunod ito nang pagpapalabas ng Malakanyang ng Executive Order No. 3, na ginawang ‘voluntary’ na lamang ang pagsusuot ng mask sa open at outdoor places.

Sinabi ni DepEd spokesman Michael Poa na mahabang oras sa face-to-face classes ay nasa loob ng classroom ang mga estudyante.

Aniya, ang classroom ay itinuturing namang ‘enclosed place,’ kung saan nananatiling mandatory ang pagsusuot ng mask.

“With regards sa development under EO 3, we will consult with DOH kasi may mga times na nasa open spaces din naman ang ating learners,” dagdag pa ni Poa.

Read more...