Tatlong sundalo napatay sa ambush sa Basilan

By Jan Escosio September 16, 2022 - 11:42 AM

Nasawi ang tatlong sundalo sa pananambang ng mga armadong lalaki sa Al-Barka, Basilan, Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Joint Task Force Basilan commander, Brig. Gen. Domingo Gobway, na dalawa sa mga sundalo ang agad namatay, samantalang binawian ng buhay sa ospital ang isa pa dahil sa mga tama ng bala.

Nabatid na napagsabihan na ang pamilya nina Cpl. Mike Repupunio, PFCs John Philip Pamplona at Jerweb Capoy, nakatalaga sa Army 18th Infantry Brigade.

Ayon kay Gobway, kabilang ang mga biktima sa mga papalit na nakatalagang sundalo sa Al-Barka nang sila ay tambangan sa Barangay Magcawa bandang 1:30 ng hapon.

Tumagal pa aniya ng 10 minuto ang pagpapalitan ng mga putok ng dalawang panig bago tumakas ang mga salarin patungo sa Barangay Baguindan sa katabing bayan ng Tipo-Tipo.

Nagdagdag na ng sundalo sa al-Barka para sa pagtugis sa armadong grupo.

TAGS: ambush, Basilan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, ambush, Basilan, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]