Pinaboran ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tuldukan na ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Katuwiran ni Diokno, sa mga nakalipas na taon, pababa ang kita sa POGOs ngunit pumapangit naman ang reputasyon ng Pilipinas.
Binanggit ito ng kalihim sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting na pinamunuan ni Senate Committee on Finance chair, Sen. Sonny Angara.
Ibinahagi pa ni Diokno na noong 2020, umabot sa pinakamataas na P7.18 bilyon ang kinita sa POGOs, ngunit halos nangahalati na lamang ito sa P3.9 bilyon noong nakaraang taon.
Sinabi pa nito na itinigil na ito sa Cambodia at iba pang bansa at lumilipat na lamang sa Pilipinas.
Sa palagay ni Diokno maluwag sa Pilipinas para sa mga ganitong uri ng negosyo kayat nakataya ang reputasyon ng bansa.