Regulasyon sa e-commerce, pinahihigpitan ng limang panukala sa Senado

Senate PRIB photo

Sinimulan muli sa Senado ang pagtalakay sa Internet Transaction Act sa pamamagitan ng limang panukala.

Pinamunuan ni Sen. Mark Villar, ang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, ang pagtalakay sa limang panukala.

Aniya, layon ng mga panukala na mabigyang proteksyon, kapwa ang mga negosyante at konsyumer, sa pagsasagawa ng internet transactions.

Binanggit pa ni Villar na ang panukala ay isa sa 19 priority bills na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

“I presume we don’t have to start from scratch because the proposed measure has been thoroughly discussed in the previous Congress,” ani Villar.

Aniya, base sa kanyang pagkukumpara, halos walang pinagkaiba at naisingit na ang mga probisyon sa substitute bill na naipasa sa nakalipas na 18th Congress.

Nabanggit ni Villar ang probisyon na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Trade and Industry (DTI) na agad kanselahin ang online sites na lumalabag sa mga batas.

Ayon naman kay Trade and Industry Sec. Mary Jean Pacheco, napakahalaga ng naturang probisyon dahil agad na silang makakagawa ng mga kinauukulang hakbang sa tuwing may mga naiuulat na mga paglabag sa pagsasagawa ng e-commerce.

Read more...