DepEd nakuwestiyon sa ‘repeat orders’ at ‘splitting of contracts’ kaugnay sa pagbili ng laptops
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na pagbili ng laptops para sa mga public school teachers, lumitaw na may mga naging transaksyon na ang Department of Education (DepEd) sa ibat-ibang suppliers.
Sa pagtatanong ni Sen. Jinggoy Estrada kay DepEd Dir. Abram Abanil, lumitaw na ilang beses nang nakabili ang kagawaran ng laptops at iba pang gamit ng Information Technology (IT) sa ibat-ibang suppliers gaya ng ASI o Advance Solutions, Inc., Columbia Technologies, Inc., Reddot Imaging Philippines, Inc.,Techguru Inc. at, Girltekki Inc.
Sinang-ayunan din ni Abanil ang pahayag ni Estrada na dahil dito ay hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang suppliers na maaring ikinadedehado ng gobyerno.
Ipinunto pa ng senador maaring masira ang reputasyon ng supplier na nagiging target ng anumang imbestigasyon bagay na sinang-ayunan din ni Abanil.
Bukod dito, sang-ayon din si Abanil sa posibilidad na naghihimutok lang ang supplier na hindi nakakuha ng kontrata.
Inungkat pa ng senador ang isyu ng ‘contract splitting’ na pagdidiin niya ay paglabag sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act na pinapayagan ang ‘repeat orders’ ngunit hindi naman magresulta sa ‘splitting of contract, requisitions at purchase orders.’
Katuwiran ni Abanil, ginagawa ang ‘contract splitting’ dahil sa pangamba ng Bids and Awards Committee na hindi makasunod sa requirements ang ibang bidders.
“The effect of a repeat order is that it dispenses with the need of undergoing public bidding again. In the case of these suppliers, why did we not just bid for the goods in a single lot? Was there lack of planning here or was the DepEd deliberately dividing the contract so that it can use repeat orders as an alternative mode of procurement,” saad pa ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.