JC Alcantara tampok sa ‘This isKwela: Study With Me’ ng Globe

By Jan Escosio September 15, 2022 - 07:32 PM

Si ABS-CBN Star Magic talent JC Alcantara ang itatampok sa ‘This isKwela Study With Me’ Facebook livestream alas-7 ng gabi bukas, Setyembre 16.

Unang natampok sa online education Facebook community ng Globe si GMA talent Arianne Bautista.

Sa naturang socmed community ay maaring makapulot ng mga mura, madali at ligtas na oportunidad para maabot ang mga pangarap sa buhay.

Ito ay bahagi ng pagsuporta sa Globe sa UN Sustainable Development Goals, na ang layon ay magkaroon ng de-kalidad na edukasyon ang lahat at nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat sa pamamagitan ng pag-aaral.

Mga eksperto at celebrity ang itatampok sa ‘This isKwela’ para magbahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan na mapupulutan ng mga magagandang halimbawa at aral.

“Gumagamit ang Globe ng digital technologies gaya ng This isKwela para matulungan ang mga Pilipino na mapaganda ang kanilang online presence at social media account branding. Kapaki-pakinabang ito para sa career development at sa paghahanap ng oportunidad sa hanapbuhay. Kasama sa pagpapabuti ng personal online presence ang kaalaman tungkol sa ligtas na interaksyon gamit ang internet at ang pagkakaroon ng isang propesyonal na online footprint,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability at Corporate Communications Officer.

TAGS: education, Globe, UN, education, Globe, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]