Appointment sa CHR, under consideration na ni Pangulong Marcos

 

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Pinag-aaralan na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagtatalaga ng pinuno at mga commissioner sa Commission on Human Rights.

Tugon ito ng Palasyo sa panawagan ng CHR na magtalaga na ng pinuno at apat na commissioners para hindi ma-downgrade ang international accreditation ng Pilipinas.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, ang hindi lang niya matukoy ng eksakto ay kung kalian magtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I can’t really say when the appointment is going to be made. I understand it is already under consideration. So maybe any day now. I am not sure. Like I said, it has been under consideration already,” pahayag ni Angeles.

Noon pang buwan ng Mayo nag-retiro ang chairman at apat na commissioners kung kaya hindi makabuo ng en banc ang CHR.

Sa sulat na ipinarating ng CHR sa Office of the President, iginiit nito na mahalaga  ang appointment ng mga opisyal sa komisyon  para hindi maapektuhan ang international accreditation ngayong taon.

Dapat din anilang  maging bukas ang proseso ng appointment alinsunod sa accreditation process.

 

Read more...