500 OFW sa Saudi Arabia, nais nang umuwi ng Pilipinas
Aabot sa 500 overseas Filipino workers ang nanatili sa shelters sa Kingdom of Saudi Arabia at nais nang umuwi ng Pilipinas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Attorney hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers na karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang household service workers.
Ito aniya ang dahilan kung kaya labis na nag-aalala si DMW Secretary Susan Ople.
“Siyempre, ipinag-utos niya na i-improve iyong mga pasilidad sa shelters, things like ventilation and pagkain, etcetera. But more than that, iyong proseso ng pagpapauwi sa kanila. Kaya isa sa mga tinake-up ni Sec. toots and Minister Al Rajhi is, dapat bigyang-daan iyong pagpapauwi ng isang OFW na may reklamo sa kaniyang kontrata at may reklamo ng pang-aabuso para siya ay makauwi. Dahil wala sinuman ang makakapilit sa isang tao na magtrabaho lalo na sa isang bansa dahil slavery na iyon. Slavery na iyon kung hindi pa siya pinauuwi at gusto na niyang umuwi at ayaw na niyang magtrabaho doon,” pahayag ni Cacdac.
Pinatitiyak aniya ni Ople na mabigyan ng atensyong medical at pagkain ang mga OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.