Dumulog sa Bureau of Immigration ang isang grupong mata sa Balota para hilingin na huwag payagang makalabas ng bansa ang ilang mga tauhan at opisyal ng Smartmatic-TIM na umano’y sangkot sa election fraud.
Sinabi ni Rodolfo Javellana, convenor ng grupo na dapat munang maimbestigahan ang mga kinasuhang opisyal ng Smartmatic na silang namahala sa mga vote-counting machines na ginamit sa eleksyon.
Sinabi pa ng grupo na sa precinct-level pa lamang ay naganap na ang dayaan sa nakaraang halalan noong May 9.
- Cesar Flores -Smartmatic-TIM president for Southeast Asia
- Heider Garcia- Smartmatic official
- Marlon Garcia – Smartmatic Philippines project manager
- Elie Moreno – Smartmatic project director
- Neil Banigued- Smartmatic technical support member
- Mauricio Herrera – Smartmatic technical support member
- Andres Kapunan- Smartmatic Mindanao
- Rouie Peñalba- Comelec IT personnel
- Nelson Herrera – Comelec IT personnel
- Frances Mae Gonzales- Comelec IT personnel-
Maliban sa reklamo sa Office of the Ombudsman, may mga kasong isinampa na rin sa naturang mga personalidad sa Manila Prosecutor’s Office at Comelec.
MOST READ
LATEST STORIES