POGOs na sangkot sa krimen, dapat nang isara – DILG chief
Nararapat na ipasara na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Ito ang sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese HR manager ng isang POGO at pagkakaligtas sa 42 Chinese nationals sa Pampanga kamakailan.
Ayon kay Abalos, nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese Embassy at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), na nangangasiwa sa operasyon ng POGOs, para matuldukan ang ilegal na aktibidades.
“There must be a system here. Remember POGO is a franchise, nagta-trabaho sila dito,may mga working permits sila. All we have to do, tingnan natin yung kanilang list from the immigration, from the POGO themselves. They must submit, ilan na yung wala sa kanila, yung hindi na nagta-trabaho para ma-filter natin ito,” ani Abalos.
Sa naging kaso ng naarestong suspek na si Chen Yi Bien, human resource manager ng Lucky South 99, sinabi ng kalihim na dapat ay rebisahin ang mga ebidensiya upang malaman kung may kinalaman ang pamunuan ng establisyemento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.