Limang taong gulang na bata na muntik nang malunod, nasagip ng PCG

PCG photo

Nailigtas ng tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang limang taong gulang na batang babae na muntik nang malunod sa Rama Beach, Clarin, Misamis Occidental kahapon, Setyembre 14.

Ayon sa PCG, mabilis na nakaresponde si Coast Guard Seaman First Class Kevin Siclot nang makita ang batang babae.

Agad na binigyan ni Siclot ng cardio pulmonary resuscitation ang bata kung kaya agad na naisalba ito.

Tumulong din ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Clarin para agad na maihatid sa pinakamalapit na ospital ang bata.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang bata.

 

Read more...