EJ Obiena, balik bansa na

By Chona Yu September 15, 2022 - 12:57 PM
Photo credit: EJ Obiena/Facebook

Nakabalik na ng bansa ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.

Ito ay matapos ang matagumpay na paglahok sa 2022 outdoor season sa Brussels, Belgium.

Kasama ni Obiena na dumating sa bansa ang kasintahan na si German track and field athlete Caroline Joyeaux.

Agad naman na sinalubong si Obiena ng kanyang mga magulang na sina  Emerson at Jeanette Obiena.

Matatandaang tinalo ni Obiena ang number one pole vaulter na si Armand Duplantis sa Brussels.

TAGS: EJ Obiena, news, Pole Vaulter, Radyo Inquirer, EJ Obiena, news, Pole Vaulter, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]