14 mangingsida sa bangkang nagkaaberya, nasagip sa Camarines Sur

PCG photo

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 mangingisda sa isang nagkaaberyang bangka sa binisidad ng Siruma, Camarines Sur noong Setyembre 12.

Isinagawa ng PCG ang search and rescue (SAR) operations matapos iulat ng may-ari ng bangka na si Arnold Leynes na nagkaroon ng problema sa mahina ng bangkang ‘Prince Arnold’.

Ibinahagi rin nito na dalawa sa 16 mangingisda ang na-rescue na ng isa pang bangka.

Nasa maayos namang kondisyon ang mga mangingisda.

Dinala naman ang bangka sa baybayin ng Pandawan Fish Port, Barangay 7 sa Mercedes, Camarines Norte.

Read more...