Ali malaking kawalan sa daigdig ayon kay Pacquiao

By Den Macaranas June 04, 2016 - 04:23 PM

Manny pacquiao
Inquirer file photo

Nagpahatid ng pakikiramay si People’s Champ Manny Pacquiao sa mga kaanak ni Muhammad Ali kaugnay sa pagkamatay ng tinaguriang greatest boxer of all-time.

Sinabi ni Pacquiao na hindi lamang ang indutriya ng boxing ang nawalan ng haligi kundi ang buong mundo dahil sa ambag na nagawa ni Ali sa nasabing uri ng sports.

Si Ali ay namatay makaraan ang ilang araw na pananatili sa ospital dahil sa kumplikasyon ng kanyang sakit na Parkinson’s disease mula pa noong 1984.

Noong isang taon ay ilang buwan ding nanatili sa pagamutan si Ali dahil sa severe urinary tract infection at pneumonia.

Ang mga labi ni Ali ay ilalagak sa kanyang hometown sa Louisville, Kentucky.

October 1 1975 nang gawin sa Pilipinas ang sinasabing pinanaka-magandang laban ni Ali sa pamamaitan ng “Thrilla in Manila” kung saan ay kanyang tinalo ang challenger na si Joe Frazier.

TAGS: ali, Boxing, Pacquiao, ali, Boxing, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.