Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang target na bilang na mabibigyan ng booster shots sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ito ang ibinahagi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at aniya, ang kanilang target ay 30 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nabigyan ng kanilang ‘primary doses.’
“We have revised our target that we at least reach 30% pagdating ng October 8 and then progressively until the end of the year, hopefully we will reach about 50-70%,” aniya.
Pag-amin ni Vergeire, mababa pa rin ang bilang ng mga nagpa-booster shot sa 24 porsiyento.
Base sa datos mula sa kagawaran, hanggang nitong Setyembre 12, higit 72.8 porsiyento na ang ‘fully vaccinated’ sa bansa at sa bilang 18.6 milyon pa lamang ang may unang booster shot at 2.5 milyon naman ang nagpaturok na ng kanilang second booster shot.