Barangay, SK elections pinauurong sa December 2023

By Jan Escosio September 15, 2022 - 11:36 AM

Hiniling ni Senator Imee Marcos ang pagpapaliban muli ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre sa susunod na taon.

Inilahad ni Marcos sa sesyon ng Senado ang final report ng pinamumunuan niyang Committee on Electoral Reforms, gayundin ng Committee on Finance at Committee on Local Government, matapos ang pagtalakay sa Senate Bill 1306.

Ayon kay Sen. Bong Revilla Jr., hindi maiiwasan na hindi maipagpaliban muli ang eleksyon.

Sinuportahan din ni Sen. Christopher Go ang ulat ni Marcos.

Nabanggit ni Marcos na gagasta ng higit P18.4 bilyon ang Commission on Elections (COMELEC) kung ipagpapaliban ang eleksyon at higit P8 bilyon lamang kung itutuloy ito sa darating na Disyembre 5.

Tiniyak naman ng COMELEC na handang-handa na sila kung itutuloy ang eleksyon.

TAGS: BSk elections, Imee Marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate, BSk elections, Imee Marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.