Chinese HR manager ng POGO dakip sa kidnapping, 42 kababayan nailigtas

By Jan Escosio September 15, 2022 - 11:25 AM

Naaresto sa lungsod ng Angeles sa Pampanga ang isang Chinese citizen ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) dahil sa kidnapping ng kanyang mga kababayan.

Iniharap ni Interior Sec. Benhur Abalos ang suspek na si Chen Yi Bien, isang Human Resources manager sa isang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Ikinasa ang operasyon base sa impormasyon sa PNP kaugnay sa sumbong ng pamilya ng biktima na pilit na hinihingian ng P1 milyon.

Kasabay ng pag-aresto kay Chen ang pagkakaligtas naman sa 42 Chinese nationals na nakakulong din sa establisyimento.

Kasabay nito, inanunsiyo ni Abalos ang pagkasa ng ‘crackdown’ sa POGOs upang maiwasan na ang paglipat-lipat sa mga biktima sa iba’t ibang POGO.

Ayon pa kay Abalos, inaalam na rin ang maaring kinalaman ng private security agencies sa mga ilegal na aktibidad sa mga POGO.

TAGS: benhur abalos, chinese, DILG, InquirerNews, pnp akg, POGO, RadyoInquirerNews, benhur abalos, chinese, DILG, InquirerNews, pnp akg, POGO, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.