OSG kukuha ng mga bagong abogado

By Den Macaranas June 04, 2016 - 03:57 PM

Jose CalidaKukuha ng dagdag na 300 na mga abogado ang Office of the Solicitor General para higit na matutukan ang mga kaso para sa pamahalaan.

Sinabi ni incoming Solicitor General Jose Calida na kulang ang kasalukuyang bilang na mga abogado ng ahensya na nasa 250 lamang,

Sa kasalukuyang kalagayan, sinabi ni Calida na nakatutok sa halos daan-daang mga kaso ang bawat abogado ng pamahalaan.

Bagama’t may bentahe sa paghahanap nila ng mga bagong government lawyers ang mga beterano at malawak ang kaalaman sa litigation ay mananatili namang bukas ang pintuan ng ASG sa mga bagong graduate na abogado.

Pangunahing isyu na tututukan ng incoming Solicitor General ay ang ginagawang paghahabol ng pamahaan sa West Philippine Sea.

Nakipag-usap na rin si Calida kay outgoing Solgen Florin Hilbay para sa smooth transition sa June 30.

TAGS: jose calida, OSG, West Philippine Sea, jose calida, OSG, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.